At sa puntong ito na bawal isangla
ang alokasyon n’yan na naturang lupa
nitong mag-asawang Cruz na nilabag nga
ang patakaran ng DAR, binale-wala,
kaya kanselado pati ang biyaya
na mabigyan kahit katiting lang yata.
Di bale sana kung hindi hinayaang
ma-‘foreclosed’ sa bangko sa inutang nilang
sampung libong piso na di nabayaran
sa loob ng taning na kung ilang buwan,
pero hindi pa rin nakuhang ibigay
itong interes at salaping inutang.
At akong ito na ‘as buyer in good faith’
sa bandang uli siyang ninanais
ng kung sinong kina Cruz nagmalasakit
kampihan ang isang wala sa matuwid?
Marapat suriin diyan ng matitinik
sa Saligang Batas na dapat manaig.
Ano’t ibinase ang kanyang ‘erroneous
decision’ sa kasong civil na ang hugot
ay di ‘separate case’ ang nais ituldok
na ‘civil in nature’ na gustong ilusot
sa kasagsagan ng ng dapat na mahinog
na kasong ‘ejectment’ laban kay Mrs. Cruz.
Ang ipinipilit nitong maging akin
ay itong 32 square meters pa rin
na kwenta bahagi riyan ng ‘landholding’
nitong ‘subject lot’ na mayrung ilang klaseng
Tax Declaration yan na kapansin-pansin,
magkakaiba ang sukat n’yan at dating.
Na masasabi kong kakaiba talaga
sa karaniwan dyang di kaduda-duda
ang pagdeklara n’yan ng property nila;
na di katulad nga r’yan ng kanila;
na iisang lote pero iba-iba
ang sukat ng lupa na ikinakasa.
At abnormal ito na maituturing
ng taong di sanay sa ganyang gawain
na napakadali riyan na mapansin
ang lubhang kakaiba n’yan sa unang tingin
na may tinatago sa likod ng dilim
ang mag-asawang Crus kung pakasuriin.
Na kung wariin at timbanging maigi
may itinatago ang ganitong uri
ng taong sa bawat oras at sandali
ng kanilang buhay may kilos na mali,
na dapat agapan upang itong binhi
riyan ng kataksilan ay di mamayani.
Kaya pakiusap sa Adjudicator riyan,
maging patas ito sa pagpapairal
ng mga batas at panuntunan ng DAR
na naayon sa wastong kalakaran
ng ating gobyerno sa pangka-lahatan
upang di maligaw r’yan sa tamang daan.
Sapagkat anumang d’yan pagkakamali
nitong sinuman ay mahirap mapawi
sa landas ng buhay ang mabuti’t hindi,
walang maasahan na magadang sukli
kundi ng hilahil sa bawat sandali
ng pakikidigma sa masamang gawi.
(May karugtong)