Home Headlines Online hospital services inaalok ng Dr. PJGMRMC sa Nueva Ecija

Online hospital services inaalok ng Dr. PJGMRMC sa Nueva Ecija

510
0
SHARE
Inilahad ni Allied Health Professional Services Division Head Andrew Mangiduyos ang online hospital services na iniaalok ng Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa lalawigan ng Nueva Ecija. (Camille C. Nagaño/PIA 3)

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) — Inaalok ng Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (PJGMRMC) sa Nueva Ecija ang online hospital services para sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo sa mga pasyente.

Sa isang talakayan, inilahad ni Allied Health Professional Services Division Head Andrew Mangiduyos ang mga serbisyong online ng naturang ospital na maaaring i-access sa pamamagitan ng Facebook.

Kabilang na riyan ang PJG TeleHealth, PJG TelePharmacy, at PJG TeleNutrition.

Ayon kay Mangiduyos, maaari nang kumuha ng appointment sa pagpapakonsulta sa pamamagitan ng PJG TeleHealth.

Sa pagkuha ng appointment, hanapin lamang ang PJG Telehealth Facebook page, at i-click ang message icon.

Matapos i-click ang icon, mag-agree sa pamamagitan ng ‘yes’ or ‘no’ sa informed consent, at kumpletuhin ang detalye sa consultation form.

Kung kumpleto na ang detalye, maaari nang ipadala ang consultation form, at hintayin ang matatanggap na consultation code.

Ang consultation code na matatanggap ay ipapadala sa naka-assign na virtual clinic, kasama ang sinagutang consultation form.

Tumatanggap ng mensahe ang PJG TeleHealth sa araw ng Lunes hanggang Biyernes, simula alas-otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.

Pagbabahagi pa ni Mangiduyos, maaaring namang gamitin ang PJG TelePharmacy sa pag-avail ng kinakailangang gamot ng pasyente mula sa parmasya ng ospital.

Sa pamamagitan ng Facebook page ng PJG TelePharmacy, mag-iwan ng mensahe tungkol sa mga kinakailangang gamot ng pasyente upang makapag-avail.

Sa pagkuha ng na-avail na gamot, personal na kukuhanin ito ng pasyente o ng kanyang kamag-anak sa parmasya ng ospital.

Bukas sa pagtanggap ng mensahe ang PJG TelePharmacy araw-araw simula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Samantala, nagbibigay naman aniya ang PJG TeleNutrition ng nutrition plan sa mga pasyente para sa kanilang tamang pagkain na kinakailangan.

Sa parehong paraan, kinakailangan lamang mag-message sa kanilang Facebook page upang matugunan ang pangangailangan ng pasyente patungkol sa kanyang nutrisyon.

Maaaring mag-message sa PJG TeleNutrition mula Lunes hanggang Biyernes, alas-nuebe ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Dr. PJGMRMC hotline na may numerong (044) 463-8888, o personal na magtungo sa kanilang tanggapan sa Brgy. Mabini Extension sa lungsod ng Cabanatuan. (CLJD/MAECR-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here