Home Headlines Kapitolyo, pinabuti ang serbisyong pangkalusugan sa Aurora

Kapitolyo, pinabuti ang serbisyong pangkalusugan sa Aurora

496
0
SHARE

BALER, Aurora (PIA) — Pinabuti ng pamahalaang panlalawigan ng Aurora ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

Iyan ang inihayag ni Gobernador Christian Noveras sa kanyang ikalawang State of the Province Address.

Aniya, umabot sa 5,515 pasyente ang natulugan ng Aurora Memorial Hospital (AMH) mula Hulyo hanggang Disyembre 2022 at 15,488 mula Enero hanggang Hunyo 2023.

Inilahad ni Noveras na nakapagtalaga ng mga doktor at espesyalista sa iba’t ibang larangan sa AMH sa tulong ng Department of Health sa ilalim ng mga programang Post Residency Deployment at Espesyalista ng Bayan.

Nagdagdag din ng mga nars, medical technologist, radiologic technologist, respiratory therapist, at physical therapist.

Ayon pa sa Gobernador, ang AMH ay nasa proseso na ng pagkuha ng license to operate para sa kanilang Rehabilitation Center at Molecular Laboratory.

Sinabi ni Gobernador Christian Noveras, sa kanyang ikalawang State of the Province Address, na pinabuti ng pamahalaang panlalawigan ng Aurora ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. (Provincial Government of Aurora)

Samantala, operational na ang Oxygen Plant na may produksyon na 60 cylinder o medical oxygen tank kada araw na ipinamamahagi sa mga pasilidad pangkalusugan ng pamahalaan sa lalawigan.

Kasalukuyan na ding itinatayo ang Diagnostic Building sa AMH na may dialysis services, CT scan, ultrasound, blood bank, at iba pang mga serbisyo sa laboratoryo.

P64 milyon ang kabuuang halaga ng naturang pasilidad kung saan P54 milyon ay mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Patuloy din ang implementasyon ng Serbisyo Caravan ng Kapitolyo na naghahatid ng medical assistance, burial assistance, at educational assistance sa mga barangay ng lalawigan. (CLJD/MAT-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here