Home Opinion ‘Of October 2023 Barangay Election’

‘Of October 2023 Barangay Election’

710
0
SHARE

Halos ‘months’ na lang bago ang eleksyong
pambarangay di pa ganap na matukoy
kung sa Oktubdre nga riyan nitong taong
kasalukuyan ay ito’y matutuloy.

Sa kadahilanang lubhang napahaba
ang pagkakaupo sa puesto ika nga
ng mga ‘incumbent’ sa simpleng salita,
sa panay ‘extension’ d’yan na ginagawa.

Kung saan ang tunay riyan na panuntunan
ng COMELEC natin apektadong tunay,
na siyang nagiging sanhi kadalasan
nang hindi normal na mga kalakaran.

Mabuti kung itong pinalad maupo
nang mahaba-haba sa puesto matino,
ang mga ‘yan kahit maging kapit-tuko
sa puesto ay lubhang hahaba pang lalo.

Subalit sa hindi mahusay humawak
sa tangan niyang renda, ang sandaling oras
na iupo sa puesto ay pasan ng lahat
ng kabarangay ang gawang di marapat.

Kaya mainam ang ilagay sa lugar
itong alin pa mang halalang pambayan,
gaya nang kung ito ay tuwing ‘3 years’ yan
ipirmi – at walang palugit, Kabayan!

At kung itong ating ‘barangay election’
pinag-tatapunan natin ‘yan ng milyons,
para makatipid, tatlo na lang itong
Kagawad na dapat ihalal sa ngayon.

Kasi nga ay wala rin namang gaanong
mga opisyal na gawang pang-‘councilor’
ang Kagawad kaya tama lang sigurong
bawasan na itong bilang n’yan sa ngayon.

Alam ng lahat ‘yan, aminin at hindi
ng iba na halos – itong d’yan ay gawi
ng nakararami – sa Session ni hindi
dumadalo itong may masamang gawi.

Pero bago pa man sumahod ‘yan dapat
ubos na’t nakuha na ng ng ‘advance’
kaya ang resulta karamihan tamad
na sumaglit kahit kalahating oras.

May Punong Barangay din namang wala ring
mga malasakit sa tangang tungkulin,
pagka-halal n’yan sa ‘barangay hall’ di rin
makapa madalas para kausapin.

Di kaya higit na mas makabubuti
sa halalang pam-barangay na nasabi,
gawing ‘every 4 years, no extension’ pati
upang ang lahat na ay kapuri-puri.

At itong kagaya r’yan ng ‘extension’
ang makasanayan nating maging padron,
kaysa katayin ang ‘barangay election’
ang ibalik ang dating ‘by appointment’ noon.

Na walang Kagawad, kundi ng ‘Tininte
del Barrio’ lamang ang tawag noon pati,
walang suweldo pero tungkuling marami
itong nagnanais na makapagsilbi!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here