Ang simulation exercise (simex) ay regular na gagawin ng lahat ng kasapi sa Olongapo City police force para lalo pang madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga di inaasahang sitwaayon.
Layunin ng nasabing pagsasanay na tingnan at sukatin ang technical na kakayahan o kahandaan ng mga kapulisan gayundin ang kanilang mga kilos o galaw sa pagreresponde sakaling mangyari ang armed attack o terrorist action gaya ng nangyari sa Resorts World Manila o iba pang klase ng kriminalidad.
“Mas maganda nang pinaghahandaan natin ang mga ganitong posibleng pangyayari, kesa mangyari ito nang wala tayong kahandaan,” pahayag ni Cabalza.
Anya, isa pa sa layunin ng simex ay maipakita din sa publiko ang totoong nanyayari sa mga ganitong insidente at matutunan din nila ang tamang gagawin o reaksyon kung sakaling sila ay maharap sa ganitong pangyayari.
Hinikayat ni Cabalza ang publiko na mas maging mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras at makiisa sa mga kapulisan sa pagbabantay ng katahimikan ng siyudad, sapagkat naniniwala siya na ang kaligtasan ng bawat isa ay usapin ng lahat.