Dalawang notorious drug pushers huli sa drug raid

    402
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales – Arestado ang dalawang drug pushers sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na mga tauhan ng PNP-DEG, PDEA Region lll at Zambales Police Provincial Office sa Barangay Matain sa bayang ito.

    Ang drug raid ay pinamunuan ni Supt. Reynaldo Ramos ng PNP-DEG sa Camp Crame sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Executive Judge Ana Marie Joson-Viterbo ng RTC Branch 24 ng Cabanatuan City.

    Magkakasunod na sinalakay ng pulisya ang tatlong bahay na pinamumugaran ng suspek na si alyas Marwin Lacambra o Marwin De Guzman, alyas Maui sa Purok 1, Salang Street; Purok 1, De Perio Street at Purok 5, Baloy Street pawang sa Barangay Matain.

    Nakuha sa Salang Street sa bakuran ng suspek ang isang kalibre 22 na baril na may anim na bala na hinihinalang itinapon ng tatay ng suspek na si Vicente ng isagawa ang pagsalakay.

    Dinatnan ng mga raiding team ang suspek sa bahay ng kanyang lola sa Purok 1, De Perio Street Kung saan narekober ang ilang plastic sachet ng shabu ganun din sa Purok 5, Baloy Street kung saan tumutuloy ang suspek.

    Arestado din ang suspek na si Alma Dagang ng Purok 2, De Perio Street kung saan mga sachet na shabu ang narekober sa bahay nito.

    Ayon sa ulat, maliban sa kaso ng droga, si Lacambra ay matagal ng target ng pulisya dahil sa pangha-hack ng ATM sa mga ATM machine sa Olongapo at kalapit bayan ng Zambales.

    Hindi naman dinatnan ng mga raiding team ang suspek na si James Filamor ng Purok 5, National Highway, Barangay Matain, kung saan 5 plastic sachet ng shabu ang nakuha sa bahay nito.

    Ang mga nahuling suspek ay dinala na sa PNP-DEG sa Camp Crame para ipagharap ng kaukulang kaso habang si Filamor ay nasa man hunt operation ng pulisya.

    Sasampahan naman ng kasong illegal possession of firearm and ammunition si Vicente De Guzman na ama ni Marwin Lacambra sa tanggapan ng Olongapo City Provincial Prosecutor’s Office.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here