Magsaysay Museum binuksan sa Zambales

    367
    0
    SHARE
    (PASINAYA. Pinamunuan ni NHCP director Dr. Rene Escalante, Castillejos Mayor Jose Angelo Dominguez, Margarita Delgado Magsaysay at Vice Gov. Angel Magsaysay-Cheng ang pagbukas sa President Ramon Magsaysay Museum sa Castillejos, Zambales. Kuha ni Johnny R. Reblando)

    CASTILLEJOS, Zambales —Binuksan na sa publiko ang museo ni President Ramon Magsaysay sa ginawang pagpapasinaya ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at pamilya Magsaysay sa bayang ito.

    Ayon kay Dr. Rene R. Escalante, NHCP commissioner, ang museo ay may limang taong paghahanda bago ito binuksan at panglabingwalo ito sa bansa.

    Ito ay isang “ interactive,” maraming dokumento at memorabilia na hindi nakikita sa lumang museo. Ito ay may dagdag na galleries kung saan ang mga estudyante ay gagamit ng computer para magkaroon ng mas malalim na kaalaman kay Pangulong Magsaysay, dagdag pa ni Escalante.

    Dugtong pa nito na ito ay nasa pangangasiwa ng NHCP at may nakalaang pondo ang gobyerno sa pagmamantini nito at libre sa lahat na nagnanais matingnan ang museo.

    Panawagan ni Escalante sa lahat na tangkilikin ang museo at umaasa ito katuwang ang lokal na pamahalaan ng Castillejos para mapanatili itong malinis at maayos, ikampanya ito sa mga mag-aaral at turista na maglaan ng ilang oras para matingnan ang ala-ala at magandang nagawa ni Pangulong Magsaysay.

    Sinabi naman ni Gng. Margarita Delgado Magsaysay (apo ng pangulo) na proud siya na-preserved yung memorabilia at legacy ng kanyang lolo “Monching”.

    Aniya, importanteng malaman yung history ng Pilipinas at yung great impact sa history at improvement ng bansa.

    Ayon naman kay Zambales Vice Gov. Angel Magsaysay-Cheng, malaking karangalan ang ginawa ng NHCP para sa pamilya Magsaysay sa pagbubukas ng museo upang ipabatid ang pagmamahal sa dating pangulo ng bansa.

    Ginawang halimbawa ng bise gobernador ang nagawa nitong pagtulong sa kanyang mga kababayan sa oras ng pangangailangan.

    Dugtong pa nito, na batay sa mga kwento ng kanyang tatay (Vic Magsaysay) at mga tiyo, na ang pagiging payak, yung hindi mo kailangan maging magarbo para ipakita mo sa taumbayan na ikaw merong halaga na may nagawa ka para sa kanila.

    Ang Pangulong Magsaysay ang pang pitong pangulo ng Republika ng Pilipinas at namatay ito sa plane crash noong March 17, 1957 sa Mt. Manunggal, Cebu.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here