Home Headlines Color fun walk matagumpay na ginanap

Color fun walk matagumpay na ginanap

568
0
SHARE
Lubos ang kasiyahan ng mga lumahok sa masayang basaan. Kuha ni Ernie Esconde

SAMAL, Bataan — Isang basaan ang ginanap gamit ang tubig mula sa firetruck ng Bureau of Fire Protection hindi dahil sa pagsasaya para sa kapistahan ni San Juan kundi upang isagawa ang Color Fun Walk na matagumpay na naidaos sa Barangay Sta. Lucia dito nitong Biyernes, June 30. 

Kailangang basa ang puting T-shirt na suot ng mga kalahok, karamihan mga bata, upang malagyan ng iba’t ibang kulay.

Sa bawat sitiong itinakda bilang color station, may naghahagis ng harina na may kulay at nilalagyan ng color code na isinusuot sa kamay ng bawat kalahok bilang tanda ng pagsunod sa tamang ruta at pagkumpleto nito. 

Lalo nang napuno ng saya ang bawat isa, bata at matanda, nang sa pagtatapos ng masiglang color walk ay muling binasa at pinaliguan ng firetruck ang mga kalahok. 

BFP firetruck habang binobomba ng tubig ang mga batang kalahok. Kuha ni Ernie Esconde

Sinabi ni Architect Karl Elvambuena Poblete, barangay nutrition scholar, na ito ang kauna-unahang color fun walk sa Sta. Lucia na nabuo, aniya sa pamamagitan ng pagpupunyagi ng barangay council sa pangunguna ni chairman Hector Forbes, barangay council for the protection of children, Bataan Nutrition Council at barangay health center station team. 

“Pinili namin ang fun walk sa halip na ang usual na color fun run dahil gusto namin na maging inclusive para sa lahat ng edad, so sa lahat ng edad at mga taga-barangay ay pwedeng sumali. Iniimbitahan namin lahat hindi lang sa barangay namin kundi sa lahat ng interesado na maging kabahagi nitong programa para sa health and nutrition,” pahayag ni Poblete.

Hangad naman ni Samal Rural Health Center chief Dr. Ryan James Sugitan na sana mag-enjoy ang lahat sa activity na ito.

“At the same time, lagi nating isaisip na pahalagahan natin ang ating kalusugan so one way nga po para mas maalagaan natin ang sarili natin is to increase physical activities sa bawat linggo. So itong color fun walk one way para mag-exercise tayo at maincrease ang physical activity natin,” sabi ng manggamot.

“Kasi, alam naman natin karamihan sa ngayon ng mga tao nasa bahay lang at nakahiga. So sana maglakad-lakad tayo, gumalaw-galaw para mas ma-improve natin ang physical health lalong-lalo na sa cardiovascular yung kalusugan ng ating puso. Sana mag-enjoy tayo at alagaan natin ang ating kalusugan,” pagwawakas ni Dr. Suguitan. 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here