Zambales officials nanumpa na

    755
    0
    SHARE
    IBA, Zambales — Ginanap ang 2016 Grand Inauguaration of Zambales Elected Officials nitong Huwebes sa People’s Park, Iba Provincial Capitol.

    Nanumpa kay Gov. Amor Deloso ang mga bago at re-elected na congressmen vice governor, board members, mayors, vice mayors at mga konsehal ng 13 bayan ng Zambales.

    Kabilang dito ay sina Vice Gov. Angel Magsaysay, 1st District Rep. Jeffrey Khonghun at 2nd District Rep. Cheryll Montalla Deloso.

    Nanumpa din sina Subic Mayor Jefferson Khonghun, Castillejos Mayor Jose Angelo Dominguez, San Marcelino Mayor Elvis Soria, Iba Mayor Rundy Ebdane, Palauig Mayor Belly Aceron, Candelaria Mayor Napoleon Edquid at Sta. Cruz Mayor Chito Marty.

    Anim naman na pawang mga babaeng mayor ang nanumpa, ito ay sina San Antonio Mayor Estela Antipolo, San Narciso Mayor Larine Sarmiento, San Felipe Mayor Caroline Fariñas, Cabangan Mayor Joy Apostol, Botolan Mayor Doris Maniquez Erezano at Masinloc Mayor Arcenia Lim.

    Sa naging mensahe ni Vice Gov. Magsaysay kanyang sinabi na panahon na para magtrabaho para mapagsilbihan ang mga Zambaleño na nagluklok sa kanya bilang bise gobernadora ng lalawigan.

    Dugtong pa nito, tapos na ang pulitika kasunod ng pagpapasalamat sa lahat ng sumoporta sa kanya lalong-lalo na sa kanyang ama na si dating gobernador Vicente “Vic” Magsaysay.

    Ayon kay dating gobernador Magsaysay naniniwala pa rin ito na may pagkakaisa sa pagkapanalo ng mga bagong mamumuno ng lalawigan napatunayan na hindi pera ang inaantay kundi ay tunay na serbisyo.

    Isa sa mga administrative order ni Gov. Deloso ay ang pansamantalang pagpapahinto sa malawakang pagmimina sa lalawigan ng Zambales.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here