Masinloc now open for business

    315
    0
    SHARE
    MASINLOC, Zambales — Bukas na ang bayang ito sa lahat ng mga negosyante na nagnanais maglagak ng kanilang negosyo.

    Ito ang panawagan ni Mayor-elect Arcenia Lim matapos itong maiproklama ng Comelec. Ayon sa kanya, tapos na ang pulitika, pagkakaisa ang kailangan sa ikakaunlad ng kanilang bayan.

    Pagtutuunan din ng alkalde ang basura na magkaroon ng tamang tapunan dahil hanggang hindi ito nareresolba maraming tao ang magkakasakit.

    “Ang ating kabayanan ay parang “show room” ito ay mukha ng ating bayan kailangan malinis para di magkasakit ang ating mga kababayan,” ayon pa kay Lim.

    Dugtong pa nito na pagkakaisa ang mahalaga para sa ikauunlad ng bayan at bukas ang pintuan ng kanyang tanggapan sa lahat ng kayang nakatunggali sa pulitika, kasunod ng pagsasabing “kung ang Diyos ay nakakapagpatawad, ako pa kaya”.

    Sa isyu ng usapin ng Bajo de Masinloc, sinabi ni Lim na dapat ang lima hanggang 10 porsiyento ng pondo galing sa municipal fund ay magamit sa livelihood project na ang isa sa mga recipient dito ay sa mga mangingisda na itinataboy sa West Philippine Sea ng mga Chinesse authorities.

    Sa usapin sa droga sinabi ni Lim na dapat ng magkaroon ng sapat na kampanya para sa mga kabataan para mailayo sa masamang bisyo, tumingin sa tamang dereksyon sa tamang buhay upang hindi nalululon ang mga ito dahil sa kawalan ng pagasa, at sa pamamagitan ng kampanya laban sa droga matuturuan mangarap, mag-aral, magkaroon ng trabaho para di malulon sa bisyo.

    Idinagdag pa ni Lim na kukuha din ito ng abogado na magtatangol sa mahihirap na matagal nang panahon na pinagkaitan ng kanilang karapatan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here