Zambales PNP handa na sa eleksyon

    287
    0
    SHARE
    IBA, Zambales –Handa na ang Zambales Police Provincial Office (ZPPO) sa gaganaping national at local elections ngayong May 9, 2016.

    Ito ang inihayag ni Zambales provincial director Senior Supt. ELi Depra sa isinagawang pulong balitaan na ginanap sa tanggapan ni Zambales election supervisor Atty. Elmo Duque.

    Makakasama ng PNP ang Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng pamumuno ni Col. Roderick Balbanero ng 24th Infantry Battallion ng Philippine Army at iba pang mga force multipliers na magbabantay sa halalan upang makatiyak sa maayos at mapayapang halalan.

    Bagamat nauna nang sinabi ni PRO 3 director Chief Supt. Rudy Lacadin na ang Zambales ang siyang pinaka matahimik na lalawigan sa buong Central Luzon ay nanatili pa rin alerto ang mga kapulisan.

    Dagdag pa ni Depra na sa bawat munisipalidad sa Zambales ay may mga itinalagang “reaction forces” na siyang reresponde sakaling magkaroon ng di magandang pangyayari.

    Kaugnay nito, naglagay ang PNP ng Provincial Election Monitoring Action Center (PEMAC) upang imonitor ang lahat ng election activities at resulta ng halalan sa 13 bayan sa Zambales.

    Sa panig ni Duque, magkaroon man ng problema sa halalan ay “minimal” lang at may nakatalaga nang mga “quick response team” sakaling magkaroon problema sa pag-transmit sa resulta ng halalan.

    Handa na rin ang lahat voting counting machine at naka-secured na ito sa mga polling precincts at binabantayan na ng mga awtoridad.

    Ayon kay Duque, tiniyak naman ng pamunuan ng Zambales Electric Cooperative 1 & 2 na sapat ang supply ng kuryente na walang magaganap na “brown out” sa araw ng halalan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here