Ayon kay De Leon matapos niyang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril ay napilitan siyang lumabas ng bahay upang tingnan kung saan ito nagmula at kung sino ang biktima.
Nagulat na lamang siya nang lumapit sa kanya ang mga nakatambay na tumangging magpakilala at sinabi na nakita nila ang dalawang motorcycle-riding criminals sakay ng Yamaha Mio na huminto sa harapan ng garahe ni De Leon at saka pinagbabaril ang kanyang sasakyan.
Sa pahayag ni De Leon, ito ang kauna-unahang shooting incident sa kanilang barangay kung saan mismong opisyal pa ng barangay ang nabiktima.
Hinala ni De Leon na pulitika at pananakot ang motibo sa pangyayari. Tumanggi naman ito na pangalanan ang mga taong pinaghihinalaan niya.
Hinamon din niya ang may gawa nito na harapin siya at huwag idaan sa ganitong paraan dahil handa naman siyang makipag-usap sa mga ito.