Driver huli sa shabu

    411
    0
    SHARE
    CASTILLEJOS, Zambales – Arestado ang isang driver makaraan itong mahuli ng mga barangay kagawad na sumisinghot ng shabu habang sakay ito ng kanyang tricycle na nakaparada sa Barangay San Jose, sa bayang ito.

    Kinilala ni Senior Inspector Jose Arca, hepe ng Castillejos PNP, ang suspek na si Wilson Bernardino, Jr., alyas Butiki, 46, residente ng Sitio San Miguel, Castillejos, Zambales.

    Ayon sa ulat tinangkang takasan ng suspek ang mga kagawad sakay ng kanyang tricycle, subalit nasukol ito ng mga paparating na pulis.

    Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu; ibat-ibang drug paraphernalia at isang homemade na kalibre 38 baril na may isang bala.

    Ang suspek ay ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here