Ipinakitang halimbawa ng pagkakaroon ng isang lindol na may lakas na magnitude 6.5 kung saan isang gusali ang gumuho at may 200 katao ang biktima na napilayan, sugatan, o naputulan ng kamay.
Ang simulation exercises ay tumagal ng 30 minuto kung saan ipinakita ng mga rescuers ang kanilang napagaralan sa nakalipas na linggo sapakikipagtulungan ng SBMA Fire and Rescue Team, PRC volunteers at Canadian Red Cross counterpart. Ayon kay PRC Chairman- Richard Gordon, hindi dito nagtatapos sa simulation exercises at lalo pang pagiibayunin ang pagsasanay sa disaster lalo na yung mga nasa ibat-ibang Philippine Red Cross chapter sa bansa para lalong madagdagan pa ang kanilang kaalaman sa pagharap sa mga kalamidad.
Ayon naman kay Canadian Ambassador to the Philippines Neil Reeder, umaabot na $170 milyon ang kanilang nai-donate sa mga NGOs sa nga biktima ng lindol sa Bohol, displaced residents in Mindanao at Zamboanga crisis. Dugtong pa ng ambassador na ang pinakamalaking nai-donate ay typhoon assistance at handa pa silang tumulong dahil sa maraming Pilipinong naninirahan sa Canada.
Kasunod nito nilagdaan ang isang memorandum of agreement (MOA) ng Philippine Red Cross, Makati Medical Center at Makati Medical Center Foundation na naglalayong maging katuwang ng PRC na magdala ng mga casualty sa mga itinalaga ng PRC emergency field hospital.
Kabilang sa mga lumagda sa MOA ay sina Gordon, Reeder, PRC Secretary General Gwendolyn Pang, Presidente Dr. Victor Gisbert ng Makati Medical Center Foundation at Dr. Gabriel Gabriel ng Makati Medical Center.