6 katao huli sa drugs

    302
    0
    SHARE
    SUBIC, ZAMBALES —Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Subic PNP ang isang drug pusher, samantalang limang iba pa ang huling nagpo-pot session sa isinagawang drug operation sa Barangay Calapacuan sa bayang ito.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic police, ang drug pusher na si Reynaldo Araniego de Castro, alyas Gimo, 59, at residente ng Barangay Calapacuan.

    Ang suspek ay huli matapos na magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500. Narekober sa pag-iingat ng suspek ang dalawa pang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

    Huli naman sa loob ng kubo sa katabing bahay ni alyas Gimo na nagpo-pot session sina Abdul Elesalde Alfarin, 49,; Arnel Magbutai Manalastas, 36,; Gilbert Daguro Dionisio, 44,; Rey Gabado Anguling, 42, at Mark Reyes Sison, 36, pawang mga residente ng Barangay Calapacuan.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang ibat-ibang drug paraphernalia.

    Ang mga suspek ay detinido sa Subic PNP detention cell.

     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here