Truck ban sa ‘Gapo

    3395
    0
    SHARE
    OLONGAPO CITY- Mahigpit ng ipinag-utos ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino sa mga tauhan ng Olongapo Traffic Management and Public Safety (OTMPS) ang pagpapatupad sa “truck ban” sa lungsod na ito.

    Ito ay sinimulang ipatupad noong March 2, 2015 batay sa City Ordinance No. 22, Series of 2008 as amended na napagkaisahang inaprubahan ng konseho ng siyudad.

    Ang “truck ban” ay ipinapatupad mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-11 hanggang 7:00 ng gabi para sa mga sasakyan na may mahigit sa 4,500 kgs. gross vehicle weight.

    Layunin nito na mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa lungsod sa oras ng pasukan sa mga eskwelahan at opisina.

    Ang sino mang lumabag sa nasabing kautusan ay may kaukulang parusa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here