Carnapper huli

    1055
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY--Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Provincial Highway Patrol Team (PHPT)-Zambales ang isang carnapper na may iba’t-ibang warrant of arrest sa Municipal Circuit Trial Court at Regional Trail Court sa Zambales.

    Kinilala ni PHPT Zambales provincial officer Senior Inspector Isabelo Ganao ang suspek na si Lito Mendoza, 31, residente ng Barangay Camara, Botolan, Zambales.

    Ang suspek ay dinakip ng team na pinamunuan nina SPO4 Marlon Agno at SPO3 Urfendo Abadilla sa bisa ng warrants of arrest na ipinalabas nina Judge Consuelo Amog-Bocar ng RTC Branch 71 at Judge Marifi Chua ng RTC Branch 70 sa kasong paglabag sa RA 6539 (Carnapping) na may piyansang tig P180,000; kasong grave coersion na ipinalabas ni Judge Jaquelin Suing ng MCTC Botolan, Zambales na may piyansang P12,000; at kasong paglabag sa Batas Pambansa Bilang 6 na ipinalabas ni Judge Vicente Lamug ng MTC Iba, Zambales na may piyansang P2,000.

    Batay sa rekord ng pulisya ang suspek ay pang walo sa talaan ng Most Wanted Person sa lalawigan ng Zambales at siya rin ang lider ng Tolitz Group na sangkot sa motor carnapping at robbery sa lalawigan ng Zambales. Ang suspek ay detinido na sa Zambales Provincial Jail sa Iba.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here