Home Opinion ‘Justice delayed, Justice denied’

‘Justice delayed, Justice denied’

810
0
SHARE

Kalagitnaan ng dekada sistenta
nang si Ernesto at ang kanyang asawa
na si Felicitas ay isangla nila
sa bangko ang lupa na may ‘restriction’ pa.

At matatawag na ‘allocated’ pa lang
‘as beneficiaries’ ng lupang naturan;
At ang DAR nga itong sa ‘actual occupants’
ng ‘landed estate’ ang allocatee bilang.

Subalit ito ay di puedeng isangla,
ibenta lalo na, kasi ay bawal nga;
Ipasa sa ‘heirs’ay isa lamang yata
sa di kabilang sa dapat isagawa.

Ngunit sina mister at misis nilabag
itong patakaran ng DAR kung kaya nga’t
sa puntong ito ay ako itong dapat
mag-may ari nito nang wala ng satsat.

Kaya lang ng dahil sa ito namang d’yan
dapat kumastigo sa pinagbabawal
ng batas ay sila itong sa iligal
kumakalong dahil may pera sa ganyan.

Di ko sinasabing bobo itong kwenta
Hues de Paz, o ‘sitting judge’ nga r’yan kumbaga,
‘Real Estate Mortgage’ itong malinaw na
nakasaad sa ‘loan – building’ lamang aniya;

Ano ang konsepto riyan ng ‘Real Estate’
di ba lupa? Pero ang iginigiit
‘building’ lang kung kaya nga’t inililihis
n’yan ang isyu para sa kabilang panig;

Kung saan posibleng kung anong ang gusto
na palabasin ng aking ka-asunto
ang siyang nangyayari sa taktikang ito
ng ‘adjudicator’ na may hawak ng kaso.

‘I filed a motion’ na ito’y mag- ‘inhibit’
‘as sitting judge’ pero kanyang ipinilit;
‘As usual’ gaya ng sa pang-‘court of justice,’
na ang tawag ‘justice delayed, justice denied’

Eh, bakit nga hindi natin masasabing
ito ay ‘dirty tricks’ riyan ng magaling
na may hawak nga niyan na napakasimpleng
kaso, na hanggang sa ngayon nakabimbin?

Gayong may desisyon, na nga riyan sa DAR
pabor kay ‘yours truly’ pero na- ‘divert’ yan
sa DARAB, nang dahil nga sa ‘erroneous’ niyang
desisyong ‘separate’ sa ‘pending case at bar’.

‘It’s for Unlawful Detainer’ itong kaso
na ‘With Damages’ at ‘distinct’ din ito,
‘Misplaced and Misleading’ kaya para ano
i- ‘invoke’ ang ganyan kung siya’y matalino?

Kaya ngayong base riyan sa dokumento
na hawak ko na nga’t detalyado rito
na ang isinangla ‘Real Estate’ mismo,
nakatitiyak na ako ng panalo.

Kaya kapag amin na riyang nakaharap
ang sa Cental Office, ating Secretariat,
masusolusyonan na ng tiyak at ganap
ang kasong pang-DAR lang – at hindi pang-DARAB!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here