4 huli sa droga sa Zambales

    310
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Apat katao ang dinakip ng mga tauhan ng Subic PNP nang kanilang salakayin ang hinihinalang pugad ng mga pushers at drug users sa Sitio Tahimik sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic Police, ang mga suspek na sina Glenn Beriones, 42, ng Barangay Ilwas; Romar Agoja, 24, Mario Austria pawang mga taga San Marcelino, Zambales; at Ricky Viado, 24, ng Barangay San Agustin, Castillejos, Zambales.

    Ang mga suspek ay huli sa aktong sumisinghot ng shabu nang isagawa ng pulisya ang pagsalakay kung saan narekober sa pag-iingat ng mga ito ang may tatlong transparent plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,500 at ibat-ibang drug paraphernalia.

    Ang mga suspek ay detinido sa Subic PNP detention cell at sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here