434 kilo ng shabu ipinagutos sunugin

    338
    0
    SHARE

    Isa-isang ibinababa sa armored van ng mga tauhan ng PDEA at AIDSOTF ang 22 traveling bags at dalawang balikbayan boxes na naglalaman ng may 434 kilo ng shabu sa ginawang presentation of evidences sa RTC, Branch 75 sa Olongapo City Justice Hall. KUHA NI JOHNNY R. REBLANDO

    OLONGAPO CITY —
    Ipinagutos na ng Olongapo City Regional Trial Court, Branch 75 Judge Raymond Viray ang pagsunog sa natitirang bahagi ng may 434 na kilo ng shabu na nakumpiska ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force (AIDSOTF) nang kanilang salakayin noong Agosto 11, 2013 ang bahay na ginawang bodega sa Sta. Monica Subdivision, Barangay Sto. Tomas, Subic, Zambales.

    Sa ginawang presentation of evidence, napagkasunduan ng mga abogado ng magkabilang panig at ng prosecution na kumuha ng samples ng droga sa may 22 traveling bag at dalawang balikbayan boxes.

    Bawat bag ay kinunan ng mga forensic chemist ng Philippine Drug Enforcement Aagency ng tig-2.2 gramo kasama na dito ang dalawang balikbayan boxes para makabuo ng 55 gramo na siyang gagamitin bilang ebidensya sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso.

    Ang shabu ay isinakay sa armored van mula sa tanggapan ng PDEA sa Metro Manila patungo sa Olongapo City at muli itong ibinalik sa custody ng PDEA. Ang PDEA na siyang custodian sa mga droga ang magtatakda ng petsa at kung saan ito sunugin batay na rin sa pasya ng korte.

    Magugunita na isang Filipino- Chinese at limang iba pa ang nasakote ng ADISOTF sa nasabing pagsalakay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here