Home Opinion ‘Uncertainties’

‘Uncertainties’

643
0
SHARE
ALIN BA ang higit na nakatataas
sa pagpairal ng panuntunang batas?

Ang Congress, Senate o itong tinatawag
nating Korte Suprema ng Pilipinas?

Di ba’t ano pa mang klase ng usapin
ay sa husgado kinakailangang dalhin
kung sa barangay o kapulisan natin
‘yan ay di na nila magawang ayusin?

Ito’y isasampa sa Municipal Court,
kasunod Regional, tapos Appellate Court;
at kung ang apila di pa rin ma-’resolve,’
‘yan sa Korte Suprema na idudulog.

Kung gayon bakit ang usaping katulad
nitong kay Sereno ay pinalalabas,
ng kung sinong aywan ay ‘expert’ sa batas,
na labag sa ‘rule’ ang kay CJ pagsibak?

Na kesyo ay dapat sa ating Kongreso
kailangang idulog at ‘impeachment’ kuno
ang pagdaraanang legal na proseso
para mapatalsik sa hawak na puesto.

Sa isyung naturan, sa ganang sarili
nating opinion ay di makabubuti
itong kung alin ang mataas na korte
ng bansa ang tila di alam ang puede?

At lumalabas na di mapanaligan
ang ‘expertise’ nila’t wastong kaalaman
sa Saligang Batas na ating sandigan
ng matuwid at ng tamang panuntunan?

Aywan naman natin kay CJ Sereno,
kung ano ang sanhi’t patuloy pa ito
sa pagmamatigas na lisanin nito
ang ‘seat of power’ na ngayon ay magulo.

Kung saan kawalan ng delikadesa
para sa sarili n’yan ang nakikita
ng taongbayan sa katauhan niya
bilang marangal na puno ng hustisya.

Bago tuluyang mawalan ng tiwala
sa ating ‘court of justice’ ang taong-madla,
mas makabubuti kay CJ ang kusa
na s’yang sa naturang isyu magparaya.

Kaysa patuloy pa niyang iginigiit
ang aywan kung siya nga’y nasa matuwid,
na ang tangi lang na puedeng magpaalis
sa kanya sa puesto – ang siya’y ma-’impeached?’

Kung ganyang may bahid na ng di magandang
repustasyon ang siya’y manatili pa r’yan,
ang labas ay tanging pangit na larawan
ng kredibilidad niya’t dangal na tangan.

Manapa huwag na lang nitong palakihin
ang sunog kumbaga at kanyang tanggapin
nang maluwag sa kanyang puso’t damdamin
ang ‘verdict,’ kaysa siya ay ayaw bumitiw.

Sa mundong ibabaw walang di naparam
pagkat ang katumbas ng lahat ay hiram,
at tanging Diyos lamang ang nakakaalam
kung kailan ang bawat isa mamaalam.

(Ang panawagan niya laban kay Digong,
na magbitiw ito ay di simpleng hamon
kundi bagkus sa di maganda humantong
dala ng ya’y tila may himig sedisyon;

At kung saan ang posibleng nilalayon
nang biglang pagkatig n’yan sa oposisyon,
‘yan ay di malayong ninanais nitong
ibagsak ang Duterte administration?!)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here