2 huli sa baril

    339
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY-Dalawang kalalakihan ang dinakip ng pulisya dahil sa illegal na pagdadala ng baril habang ang mga ito ay nasa Otero Avenue sa harapan ng Mabayuan Elementary School, sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Ronnel Espinilla, 42, residente ng No. 18 Bernadette St., St. James Subd., Nagkakaisang Nayon, Novaliches at Jonathan Macapinlac, 26, residente ng Jeteria, Conception, Tarlac.

    Ang dalawang suspek ay dinakip matapos itawag sa pulisya ng mga concerned citizen sa lugar makaraang makitaan ang mga ito ng baril at may kahina-hinalang ikinikilos. Ayon sa ulat papasakay na sa kanilang kotseng Toyota Corolla na may plakang TJE- 443 na kulay pula ng ang mga ito nang sitahin ng mga pulis.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang .45 baril na may tatlong magazine na may kargang 15 bala at sachet ng shabu na nakalagay sa isang sling bag. Walang maipakitang mga dokumento ang mga suspek a legal ang kanilang pagdadala ng baril.

    Ang mga suspek ay nasa custody na ng Olongapo City PNP at ipinagharap ng kasong paglabag sa RA 9165 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here