Hapon huli sa baril

    484
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY- Kalaboso ang sinapit ng isang Japanese national makaraan itong mahulihan ng baril habang nasa kahabaan ng National Highway sa Barangay Barretto sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Minuro Tanaka, 39, tubong Osaka, Japan. Kasama ng suspek ang apat pang kababayan nang ito ay mahuli, matapos isuplong ng mga residente sa lugar na habang nasa harapan ng Japanese Restaurant ay nakitaan ito na may kakaibang ikinikilos.

    Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang .40 pistol na may 10 bala. Ang suspek ay nasa custody ng Police Station 6 ng Olongapo City PNP at sasampahan ng kasong illegal possession of firearms and ammunition makaraan walang maipakitang kaukulang dokumento.

    Ibini-verify na rin ng pulisya sa Firearm and Explosive Division (FED) kung sino ang nagmamay- ari ng baril ganun din kung ito ay nasangkot na sa ilang criminal activity.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here