OLONGAPO CITY –Dinukot ng may 10 di pa kilalang armadong kalalakihan ang isang American national habang sakay ito ng kayang Ford Everest sa Baloy Long Beach Resort, Barangay Barretto sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktimang sai John Nash, may sapat na taong gulang at nakatira sa Casa Del Mar Subd. sa Baloy Long Beach, Barangay Barretto. Sa imbestigasyon ng pulisya kay security guard Roldolfo Pinto, dalawa sa di kilalang kalalakihan ang nagpanggap na naghahanap ng kuwarto at pagkatapos ay titnungo ang Hamburg’s place na tila may hinihintay na tao.
Pagkalipas ng ilang minuto lumabas naman sa tinutuluyang subdivision ang biktima sakay ng kanyang Ford Everest na walang plaka at sinundan ito ng dalawang suspek sa di kalayuanng distansya kung saan naman naghihintay ang iba pang kasamahan nito.
Ayon sa mga testigo, pwersahang pinababa ng mga suspek ang biktima sa kanyang Ford Everest at saka ito sa isinakay sa pulang kotse. Tangay din ng mga suspek ang sasakyan ng biktima sa kaniloang pagtakas.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Olongapo City PNP para matukoy kung anong grupo ang tumangay sa suspek.