Home Headlines Magsasaka hinikayat na samantalahin ang ulan ngayong Mayo

Magsasaka hinikayat na samantalahin ang ulan ngayong Mayo

638
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Hinihikayat ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) ang mga magsasaka na gamitin ang tubig-ulan para sa preparasyon ng kanilang sakahan “para sa araw ng pagpapadaloy ay konti na lang ang kakailanganin nilang tubig mula sa dam.”

Ayon kay Engr. Rosalinda B. Bote, department manager ng NIA-UPRIIS, dapat na raw samantalahin ang mga paguulan ngayong Mayo. Tinatawag nila itong “dry preparation.”

Nauna nang sinabi ni Bote na ngayong tag-ulan ay umaasa sila na makapag-iimbak ng tubig sa mga dam upang magamit sa susunod na tanimang panag-araw o dry crop season. 

Sa ngayon, umaabot sa 146,202.57 ektarya ng sakahan ang nakaprograma na padaluyan ng tubig-irigasyon ngayong wet season. Nasa 5,311.31 ektarya ang natatamnan ng third cropping.

“Nag-early planting sila kasi nalulubog kapag tag-ulan kaya umuna na sila para maka-ani sa panahon ng mga pag-uulan at baha,” sabi ni Bote.

Dagdag pa niya na magsisimula na silang magpadaloy ng tubig mula sa Pantabangan Dam sa service area ng NIA-UPRIIS sa ika-16 ng Hunyo. 

Samantalang sa loob ng buwang ito ng Mayo naman magsisimulang magpatubig mula sa mga local dam ang mga area na walang on-going canal maintenance operation.

Ang NIA-UPRIIS ang nagsu-supply ng irigasyon sa Nueva Ecija at ilang bahagi ng Bulacan, Pampanga, at Tarlac.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here