English tourist, driver nito timbog sa droga

    532
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales –Kalaboso ang sinapit ng isang English tourist at driver nito matapos mahuli ng Subic PNP na bumibili ng marijuana sa isang di kilalang drug pusher sa National Highway, Barangay Sto. Tomas sa bayang ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mary Ann Dove, 33, turista mula United Kingdom, pansamantalang naka-check-in sa Lagoon Resort, Baloy Beach at ang driver na si Paul Jordan Sandalo, 25, ng Baloy Beach, pawang sa Barangay Barretto, Olongapo City.

    Ang mga suspek ay huli sa aktong bumibili ng marijuana extract “hashish” na tumitimbang ng 4.661 grams na nagkakahalaga ng P1,000. Mula sa di kilalang pusher. Ang mga suspek ay detinido sa Subic PNP detention cell at
    ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here