Timbog sa pekeng NBI clearance

    541
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY-Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation, Olongapo District Office (NBI-OLDO) ang isang lalaki makaraan nitong palsipikahin ang kanyang NBI Clearance makaraan itong mag-apply ng trabaho sa isang pawnshop sa lungsod na ito.

    Kinilala ang suspek na si Karl John Harder ng 41-F Magdalo St., Lapaz, Iloilo City at pansamantalang nanunuluyan sa No. 27 Harris St., Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City. Batay sa salaysay nina Imelda Milano at Marian Grace Bag-Ongan kina Special Investigator lll Rolando Besarra at Special Investigator lll Paulo Calip ng NBI, December 19, 2013 nang mag-apply ang suspek sa pagka-accountant sa Lovely Kahael Pawnshop at nagpakilala ito sa pangalan Charles Jomar Alino.

    Dahil wala pang bakante sa posisyon na ina-aplayan ng suspek, pansamantala muna itong inilagay sa sales and marketing sa Subic Residential Hotel na pag-mamayari ng Lovey Kahael Group of Companies habang bini-verify ang kanyang mga isinumiteng dokumento hanggang sa matuklasan na peke ang kanyang NBI clearance at ang kanyang pangalan.

    Ayon kay Frannielyn Tolentino, Clearance Officer ng NBI, peke ang NBI clearance ng suspek at wala ito sa record sa data base ng NBI dahil gumamit ng pekeng pangalan ang suspek na Charles Jomar Alino sa halip ang tunay na pangalan na Karl John Harder.

    Ang suspek ay nasa custody ng NBI Olongapo District Office at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code at Falsification by Private Individual and Use of Falsifi ed Documents sa City Prosecutors Office.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here