CASTILLEJOS, Zambales – Pinangunahan ng local government unit at Department of Environment and Natural Resources ang isinagawang 3rd Barangay Summit on Solid Waste Management sa bayang ito.
Dumalo dito ang mga punong barangay, mga kagawad at mga residente sa 14 na barangay ng bayan. Ayon kay Mayor Jose Angelo Dominguez , sinimulang ipinatupad ang solid waste management noong 2011 sa mga barangays batay na rin sa ipinatutupad na provision ng RA 9003.
Sinabi ni Dominguez na dapat na ipagpatuloy ang nasimulan nilang proyekto sa tamang pagtatapon ng basura sa kanilang mga barangay at kayang-kaya nila ito basta sama-sama at may pagkakaisa.
Dugtong pa ng alkalde na ang pinakamahusay na barangay na magpatupad sa solid waste management ay
may nakalaang premyo o insentibo na ibibigay ang alkalde depende sa kayang pondo na ilalaan ng pamahalaang bayan at iyon naman ay makakatulong sa sa gastusin pinansiyal sa barangay.
Nanguna ang Barangay Balaybay noong 2011 sa pagpapatupad ng Solid Waste Management. Ang Castillejos ay
siyang kauna-unahang bayan sa 13 bayan ng Zambales na nagpatupad sa solid waste management.