Baril, subersibong dokumento narekober

    870
    0
    SHARE

    CANDELARIA, Zambales — Nakarekober ng mga baril at subersibong mga dokumento ang Candelaria Municipal Police Station na inabandona ng mga hinihinalang miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa naganap na enkwentro sa Barangay Lauis sa bayang ito.

    Ayon kay Inspector Ramil Menor, hepe ng Candelaria PNP, isang tawag mula sa telepono ang kanilang natanggap na may mga kalalakihan sa lugar na may kakaibang ikinikilos sakay ng tricycle at ng kanilang sitahin ito, putok ng baril ang sumalubong sa kanila.

    Kaagad na sumaklolo ang Public Safety Company, PNP Special Action Force at 24th IB ng Philippine Army para sa hot pursuit operation at wala namang iniulat na nasugatan sa panig ng gobyerno at mga rebeldeng nagsipagtakas.

    Narekober ng pulisya ang dalawang tricycle na inabandona ng mga rebelde sa kanilang pagtakas, dalawang M-16 rifl es, mga bala, mapa ng Tarlac at Pangasinan, hand held radios, binocular, mga personal na gamit, medical kits, mga pagkain at subersibong dokumento na may pamagat na “Ang BagongHukbong Bayan”, “Red Book-Chairman
    Mao”, “ MK-LKP Pointer”, “ Lipunan at Rebolusyong Pilipino”, “ Mga Pangkalahatang Regulasyon ng Platung Gerilya”, “ Si Jose Maria Sison Tungkol sa MODA ng Produksyon” .

    Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung kaninong grupo ang kanilang nakasagupa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here