IBA, Zambales (PIA) — May 60 mangingisda at kawani sa Zambales ang sumailalim sa pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ang mga kalahok ay mula sa mga munisipalidad ng San Narciso, San Felipe, Cabangan at Botolan.
Ayon BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, layunin ng pagsasanay na hasain ang mga kalahok sa mga standard operating procedures para sa pagsasagawa ng preventive at corrective fishery enforcement activities.
Pinasalamatan din ni Cruz ang mga mangingisdang kalahok.
Aniya, kahanga-hanga ang kanilang pagboboluntaryo para sa ikabubuti hindi lamang ng mga komunidad kundi pati ng katubigan.
Dagdag pa ng opisyal na sana aniya ay lalo pang paigtingin ang pagtutulungan upang malabanan ang illegal, unreported at unregulated fishing gayundin ay maprotektahan ang mga katubigan para sa kinabukasan ng bayan.
Hinikayat din ni Cruz ang mga kinatawan ng sektor na makiisa sa pangangalaga ng karagatan at katubigan sa rehiyon. (CLJD/RGP-PIA 3)