Home Headlines Panawagan sa DAR Central Office (Last part)

Panawagan sa DAR Central Office (Last part)

714
0
SHARE

Nang alin man kina Vicente Aselo
Sicat at Cabile; Henry Macalino –
Hayag sa Report na sinumite nito
‘Allocated lot’ ang isinangla mismo

Ng mag-asawang Cruz kaya marapat lang
Na i- ‘reallocate’ itong ‘five hundred nine (509)
Square meters, more or less, sa bumili n’yan
‘Thru a Public Auction Sale’ riyan ng Rural Bank.

Kung saan malinaw na itong sina Cruz
Ang iisang ‘lot’ na kanilang panagot
Lima ang T.D’s n’yan, na kwenta palusot
Kung di makabayad – may istilong palos.

May ‘thirty two, sixty, hundred eight, two eighty
Metro kuadrado ang sukat bawat lote;
Itong sa Land Bank ang pinaka-malaki
Gayong ang gusali iisa lang bale.

At saka pupuede ba namang isangla
Ang gusali na di kasama ang lupa?
Di ‘subdivided’ yan, kaya pandaraya
Itong malinaw na r’yang pinag-gagawa!

Entrada pa lang ng pangungutang nila
Ang hindi dapat ay mahahalata na;
Kaya di malayong ang ganyang sistema,
Ating masasabing pandaraya, di ba?

Na nangyari, kaya ang ‘lawful decision’
Ni Aselo, Sicat, Cabile – dinedbol
Ng kung sinong sanay riyan sa ganitong
‘Dirty tactics,’ gaya ng umiiral ngayon.

Na pinapaboran ng kasalukuyang
Presiding officer sa kabila riyan
Nang napakalinaw na katotohanang
Separadong kaso ang naging basehan.

Ng Adjudicator nga– ‘as it’s also distinct
To the said case at bench in its lawful effect’
Pagkat baluktot nga ang ipinipilit,
Gayong ang ganyan ay salat sa maituwid.

E bakit nga hindi? Kung ya’y nagbabasa
Ng mga papeles na ipinadala
R’yan ng Petitioner sa tanggapan niya,
Mapagaralan n’yan ang lahat-lahat na.

Kung itong nagsangla ng ‘allocated lot’
Nga nila r’yan sa Macabebe Rural Bank,
Sa dahilang bawal, ‘Disqualified’ dapat
Ang ‘Respondent’ na si Ginang si FELICITAS!

Na ipinagtanggol ng ‘Adjudicator
Sa kaparaanang ibang kaso itong
Pinagbasehan ng mali niyang desisyon,
Na isang ‘separate case’ na nangibabaw.

Sa punto ito ang aking tanging hiling
Kina ‘Executive Secretary natin,
Directors ng DAR sa Central Office, dinggin
Ang nararapat at ‘lawful’ para sa’kin.

Sapat na ang naging pakinabang nitong
Respondent sa loob ng Tatlongpung Taon,
Okupado pa rin niya hanggang ngayon,
Ang kabuoan ng isinangla noon!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here