Protesta laban sa barangay kapitan

    376
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY—– Nagsampa na ng election protest sa Metropolitan Trial Court (MTC) ng Olongapo City si Lydia (Gina) Delgado Demorse, ang pumangalawa sa nanalong barangay chairman na si Angelito (Gie) Wong Baloy ng Barangay Barretto sa lungsod na ito.

    Ayon kay Demorse nagfile ito ng recount, dahil nakita nito na may discrepancy sa resulta ng barangay election noong October 28, 2013. Sa clustered precinct ng mga Baloy may 355 registered voters, may 287 lang ang nakaboto kung kaya kulang ito ng 67 votes.

    Natuklasan din ni Demorse na sa bawat cluster precinct may nakita silang discrepancy sa pagkawala ng boto nito na umaabot sa 293 votes. “Ang hinihingi ko lang naman po ay ang tama, ang dapat na ipalabas nila sa mamamayan ng Barangay Barretto dahil ang inyong lingkod, kaya po ako kumandidato ay upang makapag service sa Barangay Barretto” dugtong pa ni Demorse.

    Ayon naman kay Barangay Chairman Baloy, dapat huwag isisi sa kanya ang pagkakatalo ni Demorse sa naging resulta ng Barangay election kung saan lumamang lamang siya kay Demorse ng 35 na boto Sinabi pa ni Baloy na ang hinahanap nila ay 293 votes, “na hindi naman ako ang may authority at wala akong kinalaman dun” kaya dapat, aniya, ang ma-question ay ang electoral officer, gaya ng Comelec, BEI, mga teachers at siya ay kandidato at hindi naman siya ang nag-tally sa resulta ng election.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here