14 sasakyan ng FSC bayad sa worker na ‘illegally dismissed’

    428
    0
    SHARE

    SUBIC BAY FREEPORT — May 14 na sasakyan na pagmamay-ari ng dating Freeport Services Corporation (FSC) ang hinatak papalabas ng Subic Bay Freeport Zone bilang pambayad sa empleyadong nanalo sa kasong “illegal dismissal” na isinampa sa National Labor Relations Commission.

    Ang mga nasabing sasakyan ay kinuha sa impounding area ng Law Enforcement Department (LED), Transportation Department at motor pool area sa loob ng freeport.

    Kabilang sa mga sasakya ay Mitsubisubishi Space Gear L400, Mitsubishi FB L300, Isuzu crew cab D Max, tatlong Mitsubishi Pajero, tatlong Toyota Noah van, Maxda Fredie van, tatlong Toyota Estima van, at Toyota Lucida.

    Ayon kay Sheriff Aida Gervacio, nanalo sa kanyang kaso laban sa FSC si Marivic Tabing batay sa ipinalabas na decision ni Honorable Mariano Bactin, acting executive labor arbiter, noong 2011. Na-delay ang execution nang mag-file sa Supreme Court ang mga abogado ng SBMA.

    Nagkaoon ng petition for special remedy at nanalo si Tabing alinsunod sa ikalawang writ of execution noong March 1, 2013. Sinabi nio Gervacio na makaraan ang may 15 araw ng filing ng special remedy, naaward sa complainant ang 14 na sasakyan, subalit kulang pa ito sa kabuuang halagang P1.7-millyon kung kaya maghahanap pa sila ng iba pang properties ng Freeport Services.

    Ayon kay Tabing, apat na taon at siyam na buwan nitong ipinaglaban ang kasong “illegal dismissal”sa NLRC matapos itong makasuhan ng halagang P 1,024 para sa Bonifacio Day holiday at napasama ito sa mga tinanggal sa managerial position mula ng mamatay ang dating presidente ng FSC na si retired General Jose Calimlim.

    Dugtong pa ni Tabing, “Kini-claim ko ho supposedly yung dapat kong makuha sa SBMA na P1.7 million na hindi naman maibigay ng SBMA, so naghanap na lang ako ng properties na pwede kung makuha na nasa pangalan ng FSC , ito nga po yung 14 vehicles na kahit sinasabing junk, sinasabing bulok, pinagtiyagaan konalang pong kunin at sinupin para po kahit paano naman po mayroon akong mapapakinabangan sa several years of service ko sa SBMA as well sa FSC po”.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here