4 NALIGO SA ILOG
    2 patay, 1 nawawala, 1 nasa pagamutan

    442
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY — Patay na nang idating sa pagamutan ang isang lalaki, samatalang nasa bingit naman ng alanganin ang buhay ng isa pa, habang ang isa pa ay nakitang lumulutang sa baybayin malapit sa Light House, Barangay Kalaklan habang isa pa ang nawawala  nang ang mga ito ay tangayin ng malakas na agos ng tubig habang naliligo sa  Sta Rita River sa Barangay Old Cabalan, sa lungsod na ito.

    Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), kinilala ang nasawing si Archie Camueda, 37, at residente  ng Amelia Heights, Purok 7, Barangay New Cabalan.

    Inoobserbahan naman ang kalagayan ng biktimang si Patrict  Usi, 15, makaraan itong makalaigtas sa pagkakalunod.

    Natagpuan naman ang bangkay ni Rafael Clementer, Jr., 45, at residente ng No. 362 Fountaine St., Barangay East Bajac-Bajac na lumulutang sa baybayin sa Light House, Barangay Kalaklan matapos itong tangayin ng malakas na agos ng tubig mula sa Sta Rita River.

    Ayon sa ulat, nakikipag-inuman ang biktima nang magpasya itong maligo sa ilog, pinigilan ito ng kanyang mga kainuman subalit itinuloy pa rin ang balak hanggang sa tangayin ito ng malakas na agos ng tubig mula sa Sta Rita River.

    Ginalugad naman ng rescue teams ng CDRRMO at Old Cabalan at mga volunteers ang kahabaan ng Sta Rita River para hanapin na maaring kinapadparan ng biktimang nawawala na si Nazareth Duldulao, 15.

    Batay sa ulat, nagkayaan maligo sa ilog sina Gamueda, Usi at Duldulao at habang patawid sila ilog ang mga ito ay madulas sa tinutung-tungang palanas na bato at tangayin ng malakas na agos ng tubig.

    Sinikap na iligtas ni Camueda ang mga kasamang mga menor de edad, subalit, sinawing palad ito hanggang sa matangay pa ng malakas na agos ng tubig si Duldulao.

    Patuloy namang nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga rescuers para hanapin ang nawawalang biktima.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here