Opisyal binaril, patay

    473
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Patay ang isang opisyal ng Registry of Deeds matapos itong barilin ng dipa kilalang riding-in-tandem suspek sa National Highway, Rizal Avenue, Barangay East Bajac-Bajac sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Benjamin Escolango, 43, residente ng Purok 1, Manggahan St., Barangay Sta. Rita.

    Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa batok mula sa kalibre .45 baril.

    Ayon sa ulat nagpapagawa ng pampasaherong jeepney ang biktima sa talyer at nang papasakay na ito sa kanyang Strada pick-up na may plakang BEN-411 ay sinalubong ito ng putok ng baril ng di kilalang suspek.

    Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng kalibre .45 baril.

    Ayon naman kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino “isolated case” lang ang nasabing pangyayari at mayroon na silang sinusundang kaso noong nakaraang buwan na may kaugnayan sa pagpatay kay Escolango.

    Kaugnay nito, ipapatawag ni Paulino ang hepe ng Olongapo City Police Office  na si Senior Supt. Rodolfo Recomono para magpaliwanag ang mabagal umanong responde ng police sa lugar.

    Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo ng pagpatay at ang pagkakakilanlan sa suspek.

    –Johnny R. Reblando

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here