Crime rate bumaba

    614
    0
    SHARE

    IBA, Zambales – Inihayag ni Senior Supt. Manuel Abu, OIC ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO), na bumaba ang crime statistics sa lalawigan sa ginanap na 2nd Provincial Peace and Order Council (PPOC) meeting sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall ng Kapitolyo.

    Sa ipinakitang detalye sa power point presentation ni Abu, mula January hanggang June 2013, bumaba ng 56.9 percent ang crime rate ng lalawigan kung ikukumpara ito sa 2012 na may total crime volume na 826. Ang naitalang bilang ng mga krimen sa anim na buwan ng 2013 ay 356.

    Sa operational accomplishments ng Zambales police may may kabuuang 245 katao ang nahuli sa loob ng January-June 2013, na kinabibilangan ng mga wanted persons at mga sangkot sa illegal drugs, illegal gambling, illegal fishing, illegal logging at paglabag sa Comelec gun ban nitong nakalipas na halalan.

    Ayon kay  Abu, ang pagbaba ng crime statistics sa Zambales ay bunga ng pinaigting na Police Integrated Patrol System (PIPS).

    Sa panig ng Philippine Army, sinabi ni Lt. Col. Gilmar Galicia, commanding officer ng 24th Infantry Battalion, 7th Infantry Division ng Philippine Army nanatili pa rin sa Zambales ang CPP/NPA at LLP/RHB at patuloy ang kanilang isinasagawang extortion activities sa lalawigan.

    Handa na rin ang PNP at PA sa synchronized barangay at sangguniang kabataan elections na gaganapin sa Oktubre 28, 2013.

    Pinuri naman ni DILG Regional Director Florida Dijan ang Zambales sa pagiging  pinaka-peaceful na community sa buong rehiyon dahil na rin sa pagkakaisa ng Zambalenos.

    Sa kabilang banda, binigyan ng certificate of commendation ang mga lupong tagapamayapa ng Barangay Consuelo Sur, San Marcelino; Barangay Lipay, Sta Cruz; at Barangay Libertad, San Narciso.

    Nakamit naman ang Best Lupong Tagapamayapa Incentives Award ng Barangay San Isidro, Cabangan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here