IBA, Zambales —Hindi na nagawang umarangakada pa ni 2nd District Congressman Jun Omar Ebdane nang talunin ito ni Cheryl Deloso.
Sa partial at unofficial results ng halalan, lumamang si Deloso ng 12,146 na boto sa pitong bayan ng Zambales. Si Deloso ay nakakuha ng 67,981 boto laban sa 55,835 boto ni Ebdane.
Tatlong bayan pa ang walang resulta ng botohan, ito ay ang San Marcelino sa 1st District at Botolan at Masinloc sa 2nd District ng Zambales.