Home Headlines DSWD nagkaloob ng social pension sa 776 senior citizen sa San Marcelino

DSWD nagkaloob ng social pension sa 776 senior citizen sa San Marcelino

419
0
SHARE

IBA, Zambales (PIA) — Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng social pension sa may 776 indigent senior citizen sa bayan ng San Marcelino sa Zambales.

Bawat isa ay tumanggap ng P3,000 para sa kabuuang pensyon mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Paliwanag ni Municipal Social Welfare and Development Office Head Sahra Soria, ang mga benepisyaryo sa naturang programa ay mga matatandang walang pinagkakakitaan at walang tinatanggap na pensyon.

Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development ng social pension sa may 776 indigent senior citizens sa bayan ng San Marcelino sa Zambales. (San Marcelino LGU)

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay sangayon sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Nakasaad sa naturang batas na ang mga indigent o mahihirap na senior citizen ay makakatanggap ng buwanang pensyon na nagkakahalaga P500 mula sa DSWD katuwang ang Office of Senior Citizens Affairs ng mga lokal na pamahalaan.

Ang naturang tulong pinansyal ay maaaring gamitin ng mga benepisyaryo pambili ng medikal at pangunahing pangangailangan sa araw-araw. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here