CANDELARIA, Zambales – Nakagapos ang dalawang kamay at may tama ng bala sa katawan nang matagpuan ng mga empleyado ng Candelaria Ice Plant ang isang lalaki sa Barangay Catol sa bayang ito.
Kinilala ni Inspector Ramil Menor, hepe ng Cadelaria PNP ang biktimang si Gerald Artates, 40-anyos at residente ng Barangay Amungan, Iba, Zambales.
Ayon sa imbestigasyon ng Candelaria PNP, ang biktima ay natagpuang nakahandusay sa gilid ng kalye may 25 metro ang layo sa Candelaria Cockpit Arena na nakatali ang dalawang kamay sa likod at may tama ng bala sa ulo at dibdib mula sa kalibre 45 baril na kaagad nitong ikinamatay.
Nakarekober din ang mga imbestigador ng Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng krimen ng tatlong empty shells, isang buhay na bala ng kalibre 45 baril at ibat-ibang drug paraphernalias sa bulsa ng biktima.