2 bugaw huli sa entrapment

    421
    0
    SHARE

    SAN MARCELINO, Zambales – Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (ZCIDT) ang dalawang katao makaraang ibugaw ang isang GRO sa isang CIS agent na nagpanggap na customer sa isang videoke bar sa bayang ito.

    Kinilala ni Chief Inspector Virgilio Rubio, ZCIDT provincial officer, ang mga suspek na sina Rogelio Besarra, 56, residente ng Purok 5, Barangay San Pablo, Castillejos, Zambales at Noralyn Ferrer, 43, residente ng No. 22, 14th St., Barangay East Tapinac, Olongapo City.

    Ang mga suspek ay dinakip sa isinagawang “Oplan Nena” ng ZCIDT makaraang abutin sa CIS agent ang halagang P1,500 kapalit ng panandaliang aliw sa GRO ng Normalyn’s Videoke Bar.

    Ang mga suspek ay nasa pangangalaga ng ZCIDT at ipinagharap na sa kasong Trafficking in Person.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here