Hanjin worker huli sa ‘damo’

    315
    0
    SHARE

    SUBIC BAY FREEPORT – Kalaboso ang sinapit ng isang empleyado ng Hajin Heavy Industries Co., Ltd., sa Redondo Peninsula, Barangay Cawag, Subic, Zambales matapos mahulihan ito ng marijuana ng SBMA security guard na nagbabantay sa main gate.

    Kinilala ni SBMA Law Enforcement, Department Manager, Retired General Orlando Maddela, Jr., ang suspek na si Joseph Escabel, 39-anyos at residente ng San Isidro, Taysan, Batangas.

    Ayon sa ulat papalabas ng Hanjin ang suspek nang makapkap ng SBMA guard ang supot na naglalaman ng dalawang maliit na “tea bag” na naglalaman ng marijuana fruiting tops.

    Ang suspek ay nasa custody na ng SBMA Law Enforcement Department at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Section 5, Article ll ng RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here