Home Headlines Makulay at mahabang parada sa 382nd Araw ng Samal

Makulay at mahabang parada sa 382nd Araw ng Samal

500
0
SHARE

SAMAL, Bataan: Hindi alintana ng maraming taong lumahok sa makulay at mahabang parada ang mahinang ulan at sa halip ay masayang nagpatuloy bilang bahagi  ng ikalawang araw na selebrasyon nitong Biyernes  sa 382-taong pagkakatatag ng bayang ito. 

Tampok ang dalawang Imahen ng Saint Catherine of Siena mula sa Catholic Church at Iglesia Filipina Independiente na ang parokya ay parehong nasa patnubay ng mapaghimalang santa, patron saint ng Samal. 

Pinangunahan ni Mayor Alexander Acuzar at Vice Mayor Ronnie Ortiguerra kasama ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan ang masayang aktibidad.

Halos hindi matapos-tapos ang parada dahil sa haba nito na nilahukan ng halos lahat ng sector sa tahimik at magandang bayan.

Nakadagdag ng kulay ang ilang grupo ng street dancers na hindi rin bumitiw kahit umuulan.

Itinampok ng isang grupo ng street dancers ang “samel” o isang panakip o pananggalang sa init at ulan ng bangka na ayon sa mga kuwento ay pinanggalingan ng pangalang Samal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here