Home Opinion Panawagan sa DAR Central Office (Re: DARAB CASE No. 5957-P’2003)

Panawagan sa DAR Central Office (Re: DARAB CASE No. 5957-P’2003)

736
0
SHARE

Adjudicator sa San Fernando Office
Na kagaya r’yan ng ang alam di ‘straight,’
Kaya ang habla ko, ngayon ay ‘3 decades
Nang nakabimbin sa kanyang ‘bench of justice’.

Gayong mas ‘brighter’ pa sa sikat ng araw
Ang aking panalo laban sa tulad niyang
Talo na, pilit pang binabaligtad diyan
Ang katotohanan, na ‘fair and impartial’.

Palitan ng bago, mahusay, malinis
At di ng tulad niyang mali itong pilit
Na kinakampihan nang dahil sa kabig?
Di makatarungan ‘yan sa aking panig.

Nag-‘motion’ na ako riyan ng ‘inhibition’
Laban sa pagiging ‘unfair’ sa situasyon,
Pero ano’t pilit na isinusulong
Ang kanya na isang ‘erroneous decision’?

Pinapaboran ang nagsangla sa bangko
Ng ‘allocated lot’ na lupang Agraryo,
Na ‘foreclosed and by an Auction Sale’ ko ito
Nabili at ngayon gusto ay panalo?

Mga Sir at Madam na nakatataas
Ang inyong mandato kumpara sa ‘unjust
Na pag-resoba ng kaso ng sitting judge’
Na si AM, aywan kung ito’y matapat.

Kasi nga sa loob nang mahigit 30 years
Di naresolba yan kung siya’y matuwid
At di naghihintay nitong tawag ay ‘Grease
Money’ mula sa kung sino ang tagilid.

Kaya may hinala nga si abang-lingkod
Na posibleng kaya ang kaso inabot
Ng siyam-siyam, ito nga ay posibleng dulot
Nang sa likuran n’yan mayrung ‘hokus-pokus’.

Eh bakit nga hindi, sa loob ba naman
Ng tatlong dekada ito’y di nabigyan
Nang tamang atensyon na kinakailangan?
Yan ay masasabing ‘grave abused,’ Kabayan.

At itong pilit na ini- ‘invoke’ ni Sir
Ay isang ‘separate case’ sa Court of Appeal
Of which it is distinct from the still pending
Case at bar that can be considered as nothing.

Basahing maigi itong nilalaman
Ng Court of Appeal na naging kahatulan,
Dismissed ang kaso at sabi’y idulog yan
Sa kung anong venue na dapat tumangan.

Eh, usaping DAR nga at ito ay pasok
Sa panuntunan n’yan ang gawing panagot
O ‘collateral’ ang lupang di pa tapos
Ang bisa n’yan ‘based on its restriction period.

Diskuwalipikado itong mag-asawang
Nagsangla sa banko, at ako ang siyang
Nakabili kaya akin na ngayon yan,
Base sa legal na mga panuntunan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here