3 illegal logger, arestado

    308
    0
    SHARE

    CANDELARIA, ZAMBALES – Nasabat ng mga tauhan ng Zambales PNP sa isang checkpoint sa National Road, Barangay Catol dito, ang tatlong katao sa aktong magdedeliver ng mga ilegal na nilagaring kahoy.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Michael Evangelista,  31 anyos, driver, residente  ng Barangay Primicias, Lingayen, Pangasinan; Wilmer Cera, 25 anyos, residente ng Barangay Biec, Binmaley, Pangasinan, at Ray Tobias, 34 anyos at residente  ng Barangay Lucao, Dagupan City.

    Ayon sa ulat, alas 8:15 ng gabi ng makatanggap ng tawag mula sa Palauig Station si Police Inspector Ramil Menor kaugnay sa isang nasakoteng passenger jeepney na naglalaman ng mga kahoy at ng mga suspek.

    Nakatakas naman ang dalawang kasamahan ng mga suspek na sina Lawrence Patricio at Edgar Patricio matapos na paputukan ng baril ang mga humahabol na mga pulis.

    Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang may 822 board feet ng nilagaring kahoy na nagkakahalaga ng P 36,990.00.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here