Pabahay sa mga kawani ng Hanjin, sinimulan na

    418
    0
    SHARE

    HANJIN VILLAGES: Pinangunahan nina (mula sa kanan) DOLE Director Baldos, Maylene Acosta ng PAGIBIG, Jin Kyu Ahn, Presidente ng Hanjin, Castillejos Mayor Jose Angelo Dominguez, Olongapo City Mayor James Gordon, Jr. at mga Fiesta Community developer na sina  Wilfredo Tan at Mariano Tan ang groundbreaking rites.

    Kuha ni Johnny R. Reblando

    CASTILLEJOS, Zambales — Ginanap na ang groundbreaking ceremony sa may 30-ektaryang lupain na tatayuan sa pabahay sa mga kawani ng Hanjin Heavy Industries Company Ltd., sa Redondo Peninsula, Sitio Agusuhin, Barangay Cawag, Subic, Zambales.

    Inaasahan na ang Phase 1 housing project na binubuo ng may 1,000 bahay ay matatapos sa July 2013 na itatayo sa Barangay Nagbayto, Nagbunga, Castillejos, Zambales, may 19 na kilometro ang layo sa Hanjin shipyard.

    Ang pabahay ay kumpleto ng pasilidad gaya ng eskwelahan at bus na siyang maghahatid-sundo sa mga kawani ng Hanjin ng libre.

    Ayon kay Jin Kyu Ahn, presidente ng Hanjin, ang mga empleyado ay pwedeng makapag-avail ng kanilang housing units ng walang downpayment o cash outlay, sa mababang interest rates sa PAGIBIG, kumpara sa ibang housing projects na kumpleto sa lahat ng pasilidad.

    Nagsimula ang Hanjin noong 2006 na ngayon ay may 20,000 local employees mula Zambales, Bataan, at Pampanga.

    Ang Hanjin ang pang apat na pinakamalaking shipbuilder sa buong mundo batay na rin sa record ng Maritime Industry Authority (Marina) at nakagawa na ito ng may 39 na vessels sa kanilang mga overseas clients.

    Kaugnay nito, pinuri naman ni Central Luzon Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director, Raymundo G. Agravante, ang initiatives ng Hanjin sa pagpapatayo ng housing project sa kanilang mga empleyado.

    Katuwang ng Hanjin ang PAGIBIG na siyang magsasayos ng mga papales para sa housing loan program na ipagkakaloob sa mga kawani ng Hanjin sa mababang halaga.

    Sinabi naman ng developer na Fiesta Communities President, Wilfredo Tan, na ang housing project monthly amortization ay umaabot sa P2,000 hanggang P5,000, depende sa modelo ng bahay na may kabuuhang halaga na aabot sa P399,000, P499,000, at P599,000, batay na rin sa monthly income ng empleyedo.

    Sa kabilang banda naman, ang lugar kung saan itatayo ang housing unit ay isa sa mga itinuturing na lahar-prone area.

    Ayon kay Patric Tan, chief operating officer ng Fiesta Communities, Inc., isa sa mga developer ng housing project, wala silang kumpirmasyon mula sa Phivolcs kung ang lugar ay ligtas na sa pagragasa ng lahar, aniya na-divert na yung tubig at may dike naman na humaharang dito.

    Papaimbestigahan naman sa Phivolcs ni Castillejos Mayor Jose Angelo Dominguez ang housing site project kung ligtas na ito sa lahar para makatiyak ang kaligtasan ng mga kawani ng Hanjin na kukuha ng kanilang pabahay.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here