5 huli sa drug bust

    363
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales — Arestado ng Zambales PNP ang lima katao sa magkakasunod na drug operation sa bayang  ito kamakalawa ng hapon.

    Kinilala ni Senior Insp. Jelson Dayupay, hepe ng Subic Police Station ang mga suspek na sina Ferdinand Dillar, 33, at Ronnie Rosete, 32, pawang residente  ng Barangay Matain.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang plastic sachet ng marijuana at tatlong plastic sachet ng shabu at P300 marked money.

    Huli din sa Barangay Calapacuan ang mga suspek na sina Mark Jason Kabiling, 30, ng No. 56 Gil St., Barangay Banicain, Olongapo City makaraan bentahan ng sachet ng shabu ang isang police poseur buyer sa halagang P300.

    Naaktuhan naman ng pulisya na nagpa-pot session sina Cenon Guevarra, 57, ng Roosevelt, Dinalupihan, Bataan at Ricahrd Ginotiva, 42, ng St. Francis 1, Limay Bataan.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang ibat-ibang drug paraphernalia, sachet ng shabu at marked money.

    Ang mga suspek ay nasa custody na ng Subic PNP at ipinagharap na ng kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here