Ginang nalunod

    442
    0
    SHARE

    SAN FELIPE, Zambales – Patay na bago naidating sa municipal health center ang isang ginang makaraan itong tangayin ng malakas na agos ng tubig na siyang dahilan ng kanyang pagkalunod sa Sitio Tek-Tek, Barangay Sindol, sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Beatriz Liano, 46-anyos at residente ng Sitio Laoag, Barangay Maloma.

    Sa imbestigasyon ng pulisya alas 10:30 ng umaga nang maghahatid ng pagkain ang biktima sa kanyang live-in partner na si Gilberto Dela Cruz na noon ay nagingisda sa sa Sitio Tek-Tek.

    Sa pagtawid ng biktima sa Linasin River, bagamat may kababawan umano ito ay malakas naman ang agos ng tubig kaya pagsapit sa gitna nawalan ito ng kontrol at tangayin ito ng malakas na agos ng tubig sa direksyon patungo ng South China Sea.

    Ang biktima ay kaagad na na-rescue ng ilang concerned citizens ng Sitio Tek-Tek at kaagad itong dinala sa municipal health center, subalit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Salome Arindoque, Health Officer.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here