P3-M halaga ng ari-arian naabo sa sunog sa Subic

    420
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Tinatayang aabot sa P3-milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo ng tupukin ng sunog ang inuupahang bahay ng isang retired US Navy sa Bacero Street, Barangay Calapacuan, ng nabaggit na bayan.

    Nagsimula ang sunog bandang alas-4 ng madaling araw noong Lunes sa bodega ng bahay na inuupahan ni Maximo Lumabas, 64, at mabilis itong kumalat sa kabahayan.

    Itinuturoni Lumabas na electrical wiring ang pinagmulan ng sunog.

    Ayon sa ulat nasa kasarapan ng tulog ang mga anak ni Lumabas ng maganap ang sunog at ayon kay Joan Liza Pico, 37, ginising sila ng kanilang lolo na si Pio.

    Ayon naman kay Pio Padel, 82, nakahiga siya ng makaramdam ito ng init at makakita ng usok at ng pagsilip nito sa bintana ay umaapoy na ang bodega.

    Sinabipa ni Padel ng makita nito ang apoy ay nagsisisigaw na siya para humingi ng saklolo sa mga kapit-bahay dala ang mga balde ng tubig, subalit hindi na nito nakayanan dahil sa mabilis na paglaki ng apoy.

    Ayon naman kay Rufinida Dela Paz, caretaker, itinayo ang bahay noong 1967 at unang tumira ay mga US Navy, at pumalit dito ay ang pamilya Lumabas na may 16 na taon ng naninirahan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here