Problema sa pamilya
    Tricycle driver, nagsunog sa sarili

    366
    0
    SHARE

    PATAY ang isang tricycle driver matapos magsunog ng sarili at tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Barangay Barretto, Olongapo City.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Victor Mercado, 53-anyos at residente ng  No. 31-K, Jamin St., ng nabanggit na barangay.

    Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, problema sa pamilya ang motibo ng pagpapatiwakal ng biktima matapos na ito’y iwanan ng kanyang asawa.

    Nabatid na pinalabas pa umano ng biktima ang kanyang anak na lalaki at pagkatapos ini-lock ang pintuan ng bahay para wala na umanong madamay pa sa kanyang ginawang pagpapakamatay.

    Ayon kay Aaron, anak ng biktima, silang dalawa lamang ng kanyang ama ang nakatira sa kanilang bahay.

    Sinabi ni Ernie Austria, narinig nitong umalis ang kanyang bilas alas-5:00 ng umaga, subalit laking gulat na lamang nito ng makitang natutupok na ang bahay.

    Ayon pa kay Austria, ito na ang ikalawang pagbabanta ng biktima na magsusunog ng sarili at isasama ang kanilang bahay mula ng iwanan ito ng kanyang asawa.

    Wala namang nadamay na bahay matapos na pagtulung-tulungan ng mga residente at pamatay sunog ng Olongapo sa pag-apula ng apoy sa nasusunog na bahay.

    Inaalam naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung anong kemikal ang ginamit ng biktima sa pagpapakamatay matapos na makarekober ng debris sa loob ng nasunog na bahay kung saan doon nagpakamatay ang biktima.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here