Negosyante at katulong, minasaker sa Olongapo

    496
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Tadtad ng saksak sa katawan ang isang Tsinong negosyante at ang katulong nito ng matagpuan sa loob ng kanilang bahay sa No. 45, 18th St., Barangay East Bajac-Bajac, dito.

    Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Leon Ong, isa sa mga nagmamay-ari ng Zambales Hardware at ang katulong nitong si Leoniza Guerrero, 41-anyos.

    Ang biktimang si Ong ay natagpuan sa loob ng kuwarto sa ikalawang palapag ng kanilang apartment na nakahandusay at nakataas pa ang kaliwang kamay na palatandaan na nanlaban ito, samantalang ang katulong na si Herrero ay sa sala naman ito natagpuan.

    Ayon sa ilang kapitbahay, bandang alas 2 ng madaling araw ng makarinig ang mga ito ng sigawan sa loob ng bahay at pagkalipas lamang ng isang oras ay tumahimik na ito, subalit ng kanilang usisain ay bukas ang pituaan ng bahay kung saan nakatira ang mga biktima at sa kanilang pag-uusisa ay nakita ang mga biktima na wala ng buhay.

    Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, maaring kilala ng mga biktima ang suspek dahilan sa lugar ay hindi basta maaaring mapasok ng sinoman dahil sa nasa secured na lugar at napapalibutan ito ng mga rehas na bakal.

    Sa kabilang banda, nabulabog naman sa pag-aaral ang mga High School at College students na halos kadikit lamang ng apartment ng mga biktima ng magtakbuhan ang mga ilang barangay tanod at pulis na umanoy kanilang namataan ang suspek na nagtatago sa paligid, subalit nabigo naman ang mga ito na makita ang hinahanap na suspek.

    Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, nasakote ang suspek na si Danilo Arlita, 42, tubong-Barangay San Jose, Northern Samar sa burol ng kanyang asawa sa Barangay Barretto na siyang pangunahing suspek sa pagpatay kina Ong at kasambahay na si Lanie Guererro, na asawa ng suspek.

    Sa imbestigasyon, naniniwala ang pulisya na selos ang nagbunsod sa suspek upang patayin ang mga biktima dahil may hinala ito na may relasyon sina Ong at Guererro, lalo pa’t isang stay-in maid ang babae at ang pamilya naman ni Ong ay nasa Maynila.

    Bago umano ang insidente, ayon sa mga saksi, pinuntahan ni Arlita ang asawa sa apartment ni Ong upang himuking umuwi muna sa kanilang bahay, bagay na tinanggihan ng babae. Ito umano ang posibleng naging dahilan upang sumidhi ang pagseselos ng suspek.

    Wala umanong nawalang gamit ang negosyante kaya inalis ang teorya ng pagnanakaw.

    Dahil naman sa konsensya, tinangkang sumilip ng suspek sa burol ng asawa sa Barangay Baretto upang humingi ng tawad ngunit naroon na rin ang mga undercover na pulis na umaresto sa kanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here